Umuwi ako ng maaga kanina kase balak kong tumakbo ulit sa loob ng village. Gaya ng inaasahan ko, madilim na at mahaba ang pila sa trike papasok. Habang nakapila, nag-iisip ako kung lalakarin ko na lang papasok tutal balak ko naman tumakbo pagdating ko sa bahay, parang warm up ba. Buti na lang mabilis ang pila ng bike kaya hindi na ako naglakad.
Pagdating ko sa may Kaimito Ave. naalala ko ung ngyari sa amin ng mga carpool mates ko kaninang umaga. Habang inaantay namin ang aming service, may biglang lumapit sa amin na lalake. Ito yung lalakeng baliw na pakalat-kalat sa village namin. Dati hindi naman siya lumalapit ng basta-basta sa tao, sa tinagal tagal namin na nag-aabang nga service sa court ngayon lang siya nagkalakas ng loob lumapit. Nung lumapit siya hindi na lang namin pinansin at umalis kame sa lugar na pinaghihintayan namin. Kalerki!
Nang maisip ko lahat ng pwedeng gawing ng mama na kumausap sa amin kaninang umaga. Naisip ko, kung kaninang umaga naka-lapit siya sa amin ng basta-basta, pano pa kaya ngayon mag isa ako, at madilim pa. Baka mamaya hilain na lang ako nun kung saan. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAa! nakakatakot! Paranoid lang ba ako or possibleng mangyari un??
At ang ending? hindi na ako tumakbo. Opo mga Ate mga Kuya, nabakla ang lola nyo. Heller mahirap na noh! Me pagka-bingi pa naman ako, mamaya hindi ko marinig o maramdaman me sumusunod na pala sakn. Kakaloka! Kata eto, binuksan ko si Toshiko, kumain ng dinner at nag-desert ng owaynge. Umaga na lang ako magjjogging, kahit mahirap, pipilitin ko. Good luck na lang sa akin! *.*
